Para kay Executive secretary Salvador Medialdea, matupad sana ng pangulo ang kanyang vision at mga pangarap para sa bansa at sa mga Filipino lalo na sa mga kabataan.
Dagdag ni Medialdea, makita sana ng mga Filipino ang mga paghihirap ng pangulo.
Para kay Presidential communications operations office secretary Martin Andanar, nakatadhanang maging pangulo si Duterte.
Para kay Justice secretary Menardo Guevarra na hangad niya na sana ay maunawaan ng mga Filipino na ang mga ginagawa ng pangulo kahit pa hindi ito paborable sa ilan, ay hinuhugot nito sa kaniyang pagmamahal sa bayan at tunay na malasakit sa kapakanan ng mga susunod na henerasyon ng mga Filipino.
Para kay Interior and local government secretary Eduardo Año, hangad niyang pagkalooban pa ng Poong Maykapal si Pangulong Duterte ng maayos na kalusugan at dagdag na karunungan sa patuloy niyang pamamahala sa bansa.
Para kay dating Special assistant to the president Christopher “Bong” Go, hangad niyang biyayaan pa ng maraming taon ang pangulo.
Wala aniyang dapat na ikabahala ang taong bayan dahil maayos ang lagay ng kalusugan ng pangulo.
Para kina Presidential legislative liason office secretary Adelino Sitoy, Defense secretary Delfin Lorenzana, patuloy pa sanang basbasan ang pangulo ara maipagpatuloy ang mga nasimulang pagbabago sa bansa.
Para kay Cabinet secretary Karlo Alexi Nograles na hangad nila ang mas mabuting kalusugan sa katawan at diwa para sa pangulo sa patuloy niyang pagsisilbi sa bayan.