Warehouse ng goma sa Valenzuela City, nasunog


 

Tinupok ng apoy ang isang warehouse ng goma sa Mapulang Lupa, Valenzuela City.

Nagsimula ang sunog pasado alas sais ng umaga sa isang warehouse sa bahagi ng Candido Street, Sitio Kabatuhan, Mapulang Lupa sa nasabing lungsod.

Alas 6:08 ng umaga nang itaas sa 3rd alarm ang sunog at alas 6:13 nang itaas ito sa ika-apat na alarma.

Dahil puro goma ang laman ng warehouse, mabilis na lumaki ang apoy.

Mabilis namang nakaresponde ang mga bumbero para apulahin ang apoy at alas 7:36 ng umaga ay idineklara nang fire under control ang sunog.

Iniimbestigahan na kung ano ang pinagmulan ng sumiklab na apoy.

Read more...