99% ng stock sa Facebook, ido-donate sa charity ni Mark Zuckerberg

zuckerMatapos isilang ang kanilang anak na babae, inanunsyo nina Facebook co-founder Mark Zuckerberg at asawa niyang si Dr. Priscilla Chan ang pagdo-donate sa halos buong stock nila sa Facebook.

Sa kaniyang pahayag sa pamamagitan ng post sa Facebook, sinabi ni Zuckerberg na 99 percent ng kanilang Facebook stock na nagkakahalaga sa ngayon ng $45 billion ang idodonate nila sa charity.

Ayon sa mag-asawa, bilang magulang, responsibilidad nilang tiyakin na ang mundo ay magiging ‘better place’ para sa anak nilang si Max at sa lahat ng mga bata. “Max, we love you and feel a great responsibility to leave the world a better place for you and all children. We wish you a life filled with the same love, hope and joy you give us. We can’t wait to see what you bring to this world,” nakasaad sa liham na ginawa ng mag-asawa para kay Max.

Sinabi ng mag-asawa na nais nilang makatulong ang halaga ng donasyon para matiyak ang happy at healthy world para sa kanilang anak at sa lahat ng mga bata sa buong mundo.

Sina Zuckerberg, 31 anyos at Chan, 30 anyos ay nagkakilala sa isang fraternity party noong sila ay nag-aaral pa sa Harvard. Ikinasal sila noong taong 2012.

Tatlong beses ding nakunan si Chan, bago ang kaniyang matagumpay na pagsilang sa anak nilang si Max.

Read more...