Sinalakay ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang gusali Manila Islamic Center sa Palanca Street sa Quiapo Maynila.
Target ng nasabing operasyon ang mga gunrunning suspect na sangkot din sa kalakaran ng ilegal na droga.
Sa pagdating sa lugar ng tauhan ng MPD, agad nagpaputok ang mga suspek dahilan para mauwi sa engkwentro ang raid.
Isa sa mga suspek ang nasawi habang ayon kay MPD Director Police Brig. Gen. Vicente Danao, Jr., nakatakas naman ang mga kasamahan nito.
Nang halughugin ang gusali, may nakitang mga baril, granada at mga shabu na tinatayang aabot sa P3 million ang halaga.
Sinabi ni Danao na mayroon din silang nakitang maraming listahan at doon nakasulat kung sinu-sino ang mga kliyente ng mga suspek.
MOST READ
LATEST STORIES