Sa datos ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), sa nasabing bilang, 1,025 ang PUJ o jeep, 99 ang bus at 383 ang UV express.
Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra III, batay sa datos ng ahensya mula nang simulan ang PUVMP noong July 2017 hanggang sa katapusan ng taong 2018, umabot na sa 129 ang bilang ng mga otorisadong ruta sa ilalim ng programa.
Layon ng PUVMP na gawing “rationalized” ang mga ruta ng mga pampublikong sasakyan upang matiyak na sapat lamang ang dami ng sasakyan sa commuter demand.
Sa 129 na aprubadong ruta sa buong bansa, 3,349 public utility vehicles ang otorisadong bumiyahe.
Mula sa kabuuang bilang ng authorized units, 1,507 na ang kasalukuyang operational.