WATCH: BTS may comeback album; music video ng kanilang single na ‘Persona’ ipinasilip

Twitter Photo: BTS_Official

Ipinasilip na sa publiko ang bagong single ng Global Korean boy band sensation na BTS.

Ang ‘Persona’ ay bahagi ng comeback album na BTS na “Map of the Soul: Persona” na nakatakdang irelease sa April 12.

Tampok sa music video ang leader ng grupo na si RM o Kim Man-joon sa totoong buhay.

Sa video, makikita si RM na nasa loob ng isang classroom at nagra-rap sa chorus part ng kanta.

Noong August 2018 ang huling album na inilabas ng BTS na “Love Yourself: Answer”.

Read more...