Pangulong Duterte humihingi na update sa PNP kaugnay sa mga ‘ninja cops’

Hinahanap na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine National Police (PNP) ang update sa mga ‘ninja cops’, o ang mga pulis na sangkot sa pagre-recycle sa ilegal na droga.

Ginawa ng pangulo ang pahayag matapos tukuyin na ‘ninja cop’ si dating Police Sr. Supt. Eduardo Acierto na nag-aakusang sangkot sa ilegal na droga si dating Presidential Economic Adviser Michael Yang.

Ayon sa pangulo, ilang pulis na ang kanyang pinangalanan na ninja cops subalit hanggang ngayon ay nagtatago.

Kabilang sa mga pangalang binanggit ng pangulo na kilala aniyang ‘ninja cops’ sina P/Sr. Supt. Leonardo Suan at Jimmy Guban; Supt. Lorenzo Bacia; P/Inspectors Conrado Caragdag at Lito Pirote; SPO4 Alejandro Gerardo Liwanag; at P/Dir. Ismael Fajardo na dati ring nasa PDEA.

Ipinagtataka ng pangulo kung bakit nakalalaya pa ang mga pulis o kung bakit buhay pa sa kanila ng pagkakasangkot sa ilegal na droga.

Read more...