Special precincts para sa mga senior citizen at PWD pinatitiyak sa Comelec

Inquirer file photo
Pinasisiguro ni Senior Citizen Rep. Francisco Datol sa Comelec ang maayos na sitwasyon ng pagboto ng mga senior citizens sa 2019 elections.

Sinabi ni Datol na dapat magtalaga ang Comelec ng special precinct para sa mga nakatatanda.

Kung maari aniya ay sa ibabang bahagi lamang ng gusali ng mga paaralan na nagsisilbing polling centers ang itatalagang special precincts.

Dagdag pa ng kongresista dapat payagan na makagamit sa pasilidad na ito ang mga buntis maging ang mga PWDs.

Mainam din aniya kung mayroon ding naka-standby na medical team malapit sa mga polling precincts na handang umagapay sa mangangailangan ng kanilang serbisyo.

Read more...