Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, maliban sa dalawang pusher na artista, ang nalalabing iba pang artista na nasa narcolist ay pawang users na.
Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Aquino na karamihan sa mga artistang nasa narcolist ay party drugs ang binibili at mayroon ding ibang gumagamit ng shabu, marijuana at cocaine.
Samantala, sinabi ni Aquino na maaring hindi lang 31 celebrities ang sangkot sa ilegal na droga, dahil ang 31 ay ang nasa watchlist lang ng PDEA.
Tiyak aniyang mayroon ding sariling listahan ang PNP at iba pang law enforcement agencies ng mga celebrity na sangkot sa ilegal na droga.
Bagaman mayroong ebidensya laban sa mga celebrity na nasa listahan ay sumasailalim pa ito sa proseso ng validation kaya hindi pa pwedeng isapubliko ayon kay Aquino.