2 hinihinalang tulak ng ilegal na droga patay sa operasyon sa Cavite

Police banner

Patay ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga makaraang mauwi sa engkwentro ang ikinasang operasyon ng pulisya sa Rosario, Cavite.

Ang mga nasawing suspek na sina Freddie Hernandez, 36 anyos at Noel Sugatan, 26 anyos ay kapwa nasa drug watchlist.

Ayon kay Police Col. William Segun, hepe ng Cavite provincial police office, nanlaban ang dalawang suspek at bumunot ng baril habang nagaganap ang transaksyon sa ikinasang buy-bust operation.

Naisugod pa sa ospital ang dalawa pero kapwa idineklarang dead on arrival.

Nakuhanan sila ng dalawang baril at anim na pakete ng hinihinalang shabu.

Read more...