Pangulong Duterte nagdiwang ng birthday kagabi kasama ang mga tauhan ng PSG

Nagdiwang ng kaarawan si Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao City, Miyerkules ng gabi kasama ang mga tauhan ng Presidential Security Group.

Sa larawang ipinamahagi ni dating Special Assistant to the President Christopher ‘Bong’ Go, makikitang hinandugan ng cake ng PSG si Pangulong Duterte.

Nagdinner din sina Go at pangulo kung saan pinagpiyestahan nila ang assorted maki, BBQ at Sushimu.

At gaya ng binanggit na ng pangulo noong nakaraang mga araw, sa kaniyang bahay lang sa Davao City siya mamamalagi ngayon.

Wala ding magarbong selebrasyon dahil sinabi na ng pangulo na ang nais lang niya sa kaniyang birthday ay makapagpahinga at matulog.

Read more...