3 miyembro ng NPA patay; 2 pulis sugatan sa engkwentro sa Northern Samar

(UPDATE) Tatlong hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nasawi sa pakikipagbakbakan sa mga pulis sa Northern Samar.

Nagsimula ang sagupaan nang lusubin umano ng hindi pa matukoy na dami ng bilang ng NPA ang Municipal Police Station sa bayan ng Victoria sa nasabing lalawigann.

Alas 3:20 ng umaga ng Huwebes, March 28, nang maganap ang sagupaan.

Maliban sa tatlong nasawi mayroon ding isa pang rebelde na nadakip.

Habang mayroon namang dalawang pulis at dalawang sibilyan ang nasugatan

Read more...