LOOK: Dam status ngayong araw, March 28

Patuloy na nababawasan ang water level sa mga dam.

Base sa update mula sa PAGASA Hydrology Division, sa nakalipas na 24 na oras, ang pawang nabawasan ang water level sa mga dam sa Luzon.

Ang Angat dam ay nasa 194.38 meters ang water level ngayong umaga, mas mababa kumpara sa 194.79 meters kahapon.

Ang La Mesa dam naman ay nasa 68.54 meters ang water level ngayong umaga bumaba din ng bahagya kumpara sa 68.55 meters kahapon.

Samantala, pawang nabawasan din ang antas ng tubig sa Ipo dam, Ambuklao dam, inga dam, San Roque dam, Pantabangan dam, Magat dam at Caliraya dam.

Read more...