Precious Lara Quigaman at Marco Alcaras nagbakasyon sa US kasama ang dalawang anak

Masayang nagbakasyon ang aktres at dating beauty queen na si Precious Lara Quigaman kasama ang asawa na si Marco Alcaraz at dalawang anak na sina Noah at Tobias sa Los Angeles, California.

Espesyal ang naturang bakasyon dahil ito ang kauna-unahang biyahe ni Tobias sa Los Angeles.

Nagtungo rin ang pamilya para dumalo sa kasal ng pinsan ni Marco.

Sa Instagram, makikita ang mga larawan ng buong L-A trip ng

Kasama rito ang larawan nina Noah at Tobias kung saan makikitang hindi alintana ang labing-tatlong oras na biyahe sa eroplano.

Samantala, matapos ang kasal, hindi pinalagpas ng pamilya na hindi makanood ng basketball game ng Lakers.

Dinala rin nina Lara at Marco ang dalawang anak sa Disneyland para malibang.

Read more...