500 katao inilikas matapos ang sunog sa isang hotel sa Singapore

Inilikas ang nasa limang daang katao makaraang sumiklab ang sunog sa isang hotel sa Singapore.

Ayon sa Singapore Civil Defence Force o S-C-D-F, mabilis namang naapula ang sunog sa Grand Hyatt Hotel malapit sa Orchard Road shopping district.

Wala ring mapaulat na nasawi o nasugatan sa insidente.

Batay sa imbestigasyon, sinabi ng S-C-D-F na nagsimula ang sunog sa isang kitchen stove at exhaust duct mula sa isang restaurant sa ikalawang palapag ng hotel.

Nakatulong naman umano ang water sprinklers bago nakarating ang mga bumbero sa sunog.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa sunog.

Read more...