Compound sa Cainta Rizal na pinagtataguan ng mga nakaw na sasakyan, sinalakay ng HPG

Sinalakay ng mga tauhan ng PNP-Highway Patrol Group ang isang compound sa Barangay Santo Domingo sa Cainta Rizal.

Ito ay dahil sa paniwalang pinagtataguan ito ng mga nakaw na mga sasakyan.

Ayon kay HPG Dir. Roberto Fajardo, bitbit ang search warrant ay ginawa ang pagsalakay matapos ang reklamo hinggil sa isang ninakaw na Mercedes Benz.

Nang mapasok ang lugar, tumambad sa mga tauhan ng HPG ang mga nakaw na luxury cars, sedans at taxi cans na ang karamihan ay kulang-kulang na ang parte.

May nakita ring mga plaka ng taxi na inilipat sa ibang public utility vehicles.

Isang casino financier ang pinaghahanap ngayon ng mga otoridad na ang negosyo ay rent-sangla.

Nadatnan naman sa lugar ang mekanikong si Ramil Belen na nagsabi hindi niya alam kung nakaw ba ang mga sasakyan.

Read more...