Nakilala ang rider na si Warren Piñero.
Ayon sa kasama ni Piñero na si Eric Rodina, papauwi sana silang dalawa sa trabaho.
Habang binabagtas umano nila ang kahabaan ng Sta. Mesa Road ay bigla na lamang niyang narinig ang malakas na kalabog at tumambad na ang nakahandusay niyang kaibigan.
Sa salaysay naman ni Rommel Pelagio, drayber ng jeep na nakabanggaan ni Piñero, mabilis ang patakbo ng rider.
Nang makita umano niyang sinasalubong ng motor ang kanyang jeep ay tumigil siya ngunit hindi ito sapat para hindi matuloy ang banggaan.
Nakuhaan naman ng CCTV footage ng Brgy. 592 na wala sa tamang linya si Piñero at nasa linya ito ng jeep na dahilan ng pagbangga.
Ginagamot pa rin sa ospital ang motorcycle rider at patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya kung may pananagutan si Pelagio sa aksidente.