Mindanao nakararanas ng pag-ulan, pagkulog at pagkidlat dahil sa Easterlies

Patuloy na makararanas ng maalinsangang panahon ang halos buong bansa dahil sa Easterlies o mainit na hanging mula sa karagatang Pacifico.

Sa 4am weather update ng PAGASA, posible ang pulo-pulong pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Bicol Region, Visayas at Mindanao dahil sa easterlies.

Ayon kay weather specialist Loriedin De La Cruz, nararanasan na ang isolated thunderstorms sa Mindanao na maaaring tumagal sa mga susunod na oras.

Dahil sa pag-ulang nararanasan sa Mindanao, mas mababa ang temperatura na aasahan sa buong rehiyon.

Samantala, sa mas malaking bahagi ng Luzon kabilang na ang Metro Manila ay maalinsangan ang panahon na may mababang tyansa ng pag-ulan dahil sa ridge of High Pressure Area.

Read more...