Lalaki, umaming ninakawan at ginilitan ang dalagitang pinsan sa Caloocan

Sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) ang isang lalaki na umaming ninakawan at ginilitan ang kanyang dalagitang pinsan sa Caloocan City noong Enero.

Inamin ni King Angelo Sese, 21 anyos na siya ang pumatay sa pinsan na si Myrrhaquel Singson.

Aminado rin ang suspek na siya rin ang nagnakaw sa dalawang cellphone ng biktima.

Ayon pa kay Sese, gumamit siya ng droga nang magawa niya ang krimen.

Dahil dito ay abswelto na ang tiyuhin ni Singson na si Reynaldo Urbano na unang inaresto dahil may kopya ito ng susi ng bahay ng biktima.

Sinampahan na ng NBI ng kasong homicide si Sese.

Pero dedesisyunan pa ng piskal kung pasok pa ang kaso sa bilang ng araw na pwedeng arestuhin ang suspek sa ilalim ng batas.

Read more...