PDEA: Karamihan ng 31 artista na nasa drug list ay mga sikat at batang lalaki

Karamihan sa 31 celebrities na kasama sa drug watchlist ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay mga lalaki na sa edad 20s at 30s.

Ayon kay PDEA chief Aaron Aquino, lahat sila ay mga sikat na artista at karamihan sa kanila ay nasa telebisyon at gumagawa ng pelikula.

Bagamat hindi niya pinangalanan, sinabi ni Aquino na tatlong celebrities na nasa listahan ang makukunsiderang matanda na habang 11 sa mga ito ay mga aktres.

Ang matanda na sinabi ni Aquino ay nasa edad 40s at ang bata ay nasa edad 30s o 20s.

Iginiit ng opisyal na determinado silang arestuhin ang mga personalidad na nasa drug list.

Read more...