Lalaki patay sa pamamaril sa Quezon City

Contributed photo

Patay ang isang hindi pa nakikilalang lalaki sa Brgy. Payatas, Quezon City, Miyerkules ng gabi.

Naniniwala ang mga residente na dayo lamang ang biktima dahil hindi nila ito namumukhaan.

Sa ginawang pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), nakuha ang isang shabu sa loob ng underwear ng biktima.

Patuloy na iniimbestigahan kung may kinalaman sa iligal na droga ang pamamaslang.

Read more...