Iñigo Pascual, may single kasama si Australian Youtube star Wengie

Gumagawa si singer-songwriter Iñigo Pascual ng single kasama ang pinakamalaking Youtube star na si Wengie.

Ang single ng dalawa ay may pamagat na “Mr. Nice Guy.”

Inanunsyo ang paggawa ng single ng dalawa sa media briefing sa ELJ Communications Center sa Quezon City.

Ibinahagi ni Wengie, isang Australian-Chinese video blogger na mayroong mahigit 13 million subscribers, kung paano nabuo ang proyekto.

Swerte anyang pareho silang nasa Los Angeles ni Iñigo at naisip nilang mag team up at mag-record ng single.

Ayon kay ABS-CBN Star Music head Marivic Benedicto, naghahanap talaga ang manager ni Wengie na si Danny Lee ng kanilang makaka-collaborate at napili nila si Iñigo.

Plano ni Wengie na gumawa ng gaya ng K-pop male-female duet.

Perfect anya ang pair nila ni Iñigo dahil siya ay nagra-rap habang ang binata ay magaling kumanta.

Sinabi naman ni Iñigo na maganda ang timing ng team up nila ni Wengie dahil target niyang gumawa ng album para sa international release.

Sa Abril nakatakdang ilabas ang single na magkakaroon ng tatlong bersyon, English, Tagalog at Taglish.

Read more...