29 na kahon ng pekeng sigarilyo nakumpiska sa Maynila

Contributed photo

Aabot sa 29 na kahon ng mga pekeng sigarilyo na nagkakahalaga ng tinatayang P700,000 ang nasamsam ng mga pulis sa Tondo, Maynila alas-10:30 ng gabi ng Miyerkules.

Ayon sa Manila Police District, nagsasagawa lamang ng Anti-Criminality Operations ang Raxabago Police nang matyempuhan ang isang kahina-hinalang L300 van sa bahagi ng Capulong Street.

Contributed photo

Nang lapitan ng mga pulis ang driver ng van ay sinubukan nitong tumakas ngunit napigilan ng mga awtoridad.

Dito na nadiskubre ang 29 na kahon ng mga sigarilyo na may brand na Mighty, Marvels at Jackpot na walang BIR stamps.

Makikipag-ugnayan ang mga pulis sa mga ahensya ng gobyerno at mga nabanggit na manufactures para sa authentication ng mga nakumpiskang sigarilyo.

Naaresto ang driver ng van na nakilalang si Julito Octing at kasamahan nitong si Anthony Pano.

Sasampahan ang dalawa ng kasong paglabag sa RA 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines – Unfair Competition.

Read more...