Ang naturang ordinansa ay mariing binatikos ng netizens sa social media.
Sa isang pahayag, nilinaw ni Malapitan na layon lamang ng naturang ordinansa na maging desente ang pananamit ng mga residente ng lungsod sa mga oras na sila ay nasa tanggapan ng gobyerno.
Giit ni Malapitan, hindi ipinagbabawal ang shorts sa Caloocan.
Inutusan na ng alkalde ang mga konsehal na muling talakayin ang ordinansa at amiyendahan ito.
Naniniwala si Malapitan sa pantay na karapatan ng lahat at dapat anyang igalang ang kababaihan anuman ang kanilang suot.
Sinabi pa ng alkalde na ang ordinansa ay ipinasa noong 2007 sa ilalim ng panunungkulan ni dating Mayor Recom Echiverri.