23 katao, na food-poisoning sa political meeting sa Malabon

 

Malabon-City
Mula sa google

Dalawampu’t tatlo katao ang naospital makaraang makakain ng sirang adobo at kanin na ipinamahagi sa political meeting ng isang mambabatas sa Malabon, Lunes ng gabi.

Nadala sa Pagamutang Bayan ng Malabon ang mga biktima na nakaranas ng pagsusuka, pagkahilo at pananakit ng tyan.

Ayon sa mga biktima, galing sila sa meeting na ipinatawag umano ni Rep. Jaye Lacson-Noel sa Bgy. Tinajeros Malabon dakong alas-3:00 ng hapon. Pagkatapos ng pagpupulong, binigyan ang mga dumalo ng naka-paketeng pork adobo at kanin.

Ang iba anila ay agad itong kinain samantalang ang iba ay iniuwi sa kanilang bahay at ibinahagi sa kanilang pamilya.

Ilan sa mga biktima ay kinailangang ma-confine ngunit ang iba naman ay agad ding nakauwi matapos resetahan ng mga doktor.

Si Noel ay tatakbo bilang alkalde ng Malabon City laban kay Mayor Antolin Oreta III.

Read more...