Ressa at Rappler 2016 board, kinasuhan ng paglabag sa Anti-Dummy Law

Kinasuhan sa korte si Rappler CEO at executive editor Maria Ressa at mga miyembro ng 2016 board ng kumpanya ng paglabag umano sa Anti-Dummy Law.

Sa information na inihain sa Pasig Regional Trial Court araw ng Martes, inakusahan ni Sr. Asst. City Prosecutor Randy Esteban si Ressa at anim na iba pa dahil sa pagpayag sa Omidyar Network Fund, isang dayuhang korporasyon, na makialam sa operasyon ng Rappler sa pamamagitan ng paglalabas ng Philippine Depository Receipts noong 2015.

Nagpiyansa na ng tig P90,000 sina Rappler board members Manuel Ayala, Nico Jose Nolledo, Glenda Gloria, James Bitanga, Felicia Atienza at James Velasquez habang si Ressa ay nasa labas ng bansa.

Sinampahan din ang mga ito ng paglabag sa Securities Regulation Code pero hindi pa na-raffle ang kaso sa isang judge.

Ang Anti-Dummy case ay may kaugnayan sa utos ng Securities and Exchange Commission (SEC) na i-revoke ang incorporation papers ng Rappler sa alegasyon na lumabag ang kumpanya sa pagbabawal ukol sa foreign ownership ng mass media sa pamamagitan ng pag-issue ng PDRs sa Omidyar.

Una nang iginiit ng Rappley na sila ay fully Filipino-owned.

Read more...