Palasyo: SC Associate Justice Carpio, ‘unpatriotic’

Hindi umano makabayan si Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, mistula kasing tinuturuan pa ni Carpio ang China na maghanap ng butas sa kontrata ng Pilipinas at China kung saan umuutang ang bansa ng $62 million para pondohan ang Chico River irrigation project.

Giit ni Panelo, wala namang loopholes ang loan contract pero pilit na hinahapan ito ng butas ni Carpio.

Bilang mahistrado ng Korte Suprema, dapat aniyang maging protective si Carpio sa interes ng Pilipinas.

Ayon pa kay Panelo, base sa mga ikinikilos ni Carpio ay mistulang kinakampihan pa nito ang China.

“S’ya ang lumalabas na unpatriotic dito…Parang tinuturuan niya pa ang Chinese. Wala namang loopholes, binibigyan niya pa ng loopholes. Justice ka ng Supreme Court, dapat protective ka nga sa ating interes, parang kumakampi ka doon sa kabila in a way,” ani Panelo.

Samantala, tinawanan lang naman ni Carpio ang alegasyon ni panelo na unpatriotic siya.

Read more...