Ayon kay MMDA Spokesperson Celine Pialago, aabutin pa ng 15 hanggang 20 araw bago mapatupad ang dalawang polisiya.
Bago ang implementasyon ay kailangan anyang may publication muna sa dalawang pangunahing pahayagan, magkaroon ng information campaign at dadan pa sa UP Law Center para sa registration.
Aalamin din muna ng MMDA ang cost-effectiveness ng overtime pay sa kanilang mga tauhan at ang pagkakaroon ng stationary speed guns para sa implementasyon ng 60 kph speed limit.
Target ng MMDA na ipatupad ang speed limit 24/7 sa ilang kalsada sa Metro Manila.
Una rito ay nabalita na tatanggalin ng MMDA ang window hours sa pagpapatupad ng number coding scheme para maibsan ang traffic congestion gayundin ang speed limit para maiwasan ang mga aksidente.