Palasyo may birthday wish kay Duterte

Malusog na pangangatawan at tahimik na pag-iisip.

Ito ang birthday wish ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kay Pangulong Rodrigo Duterte na magdiriwang ng kanyang ika-74 na kaarawan araw ng Huwebes, March 28.

Ayon kay Panelo, pagkalooban pa sana ng Panginoon si Pangulong Duterte ng malusog na pangangatawan para magampanan ang kanyang tungkulin na maipag-patuloy ang mga nasimulang pagbabago ng bansa.

Ayon pa kay Panelo, nasaksihan ng taong bayan kung gaano kapursigido ang Pangulo na tuparin ang kanyang mga pangako noong panahon ng kampanya na bigyan ng komportableng pamumuhay ang bawat Pilipino.

Sinabi ni Panelo na kahit naging Pangulo na ng bansa, hindi pa rin nagbago ang lifestyle ng Punong Ehekutibo.

Walang magarbong selebrasyon sa halip ay nais lamang ng Pangulo na gugulin ang kanyang birthday kasama ang kanyang pamilya.

Una nang sinabi ng Malakanyan na nais lang ng Pangulo na magpahinga sa bahay at matulog sa kanyang kaarawan.

Read more...