Duterte bukas sa pakikipag-usap kay Misuari para sa pederalismo

Inquirer file photo

Nagmamadali na si Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng kasunduan kay Moro National Liberation Front Chairman Nur Misuari.

Sa talumpati kagabi ng pangulo sa campaign rally ng Partido Demokratikong Pilipino-Laban (PDP-Laban) sa Koronodal City, South Cotabato, sinabi nito na tatlong taon na lamang ang nalalabi sa kanyang panunungkulan kaya kailangan niyang bilisan ang ilang mga desisyon.

Una rito, nagbanta si Misuari na makikipag giyera ang MNLF sa pamahalaan kapag hindi naisulong ang pederalismo.

Sa ngayon, kuntento naman si Pangulong Duterte sa Bangsamoro Organic Law na nilagdaan sa pagitan ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Umaasa ang pangulo na maayos na maipatutupad ang BOL sa pangunguna ni MILF Chairman Murad Ebrahim.

Read more...