LOOK: Water level sa mga dam ngayong araw, Mar. 27

Malaki-laki ang nabawas sa water level ng Angat dam sa nakalipas na 24 na oras, habang kaunti lang ang nabawas sa La Mesa dam.

Sa update mula sa PAGASA Hydrology Division, alas 6:00 ng umaga ngayong araw (Mar. 27), nasa 194.79 meters ang water level ng Angat dam, mas mababa kumpara sa 195.19 meters kahapon.

Sa nakalipas na 24 na oras ay .40 meters ang nabawas sa water level ng Angat.

Ang La Mesa dam naman ay nasa 68.55 meters ang water level ngayong umaga.

Bahagya lamang itong nabawasan kumpara sa 68.56 meters kahapon, araw ng Martes.

Read more...