PUBLIC SERVICE: Scheduled power interruption ng Meralco ngayong araw, Mar. 27

INQUIRER FILE PHOTO/RAFFY LERMA

Mawawalan ng suplay ng kuryente ngayong araw ang ilang bahagi ng Marikina, Quezon City, Pasig, at Cavite.

Ayon sa abiso ng Meralco, sa Marikina City, sa pagitan ng alas 10:00 ng umaga at alas 3:00 ng hapon ang power interruption sa Brgy. Nangka.

Sa parehong oras din mayroong power interruption sa bahagi ng Brgy. Marilag, Proj. 4 sa Quezon City.

Sa New Manila Quezon City pa rin, sa pagitan ng alas 11:30 ng gabi at alas 5:30 ng umaga bukas ang nakatakdang interruption sa bahagi ng Brgy. Damayan Lagi.

Sa Pasig City naman, alas 11:30 ng gabi mamaya hanggang alas 4:30 ng madaling araw bukas ay mawawalan ng suplay ng kuryente ang bahagi ng Brgy. Manggahan.

Parehong oras din ang power interruption sa bahagi ng Brgy. Niog II at Panapaan IV sa Bacoor City.

Habang sa pagitan ng alas 10:00 ng umaga at alas 3:00 hapin mamaya ang brownout sa Brgy. Lumil sa Silang Cavite

Read more...