Buong bansa apektado ng Easterlies – PAGASA

Mainit at maalinsangang panahon pa rin ang mararanasan ngayong araw sa malaking bahagi ng bansa.

Ayon sa PAGASA, apektado na ng Easterlies o mainit na hangin mula sa dagat pasipiko ang buong bansa.

Para sa pagtaya ng panahon ngayong araw, ang Visayas, Bicol Region, Southern Quezon, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, Surigao del Norte at Dinagat Islands ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na mayroong isolated na mga pag-ulan o thunderstorms.

Ang Metro Manila naman at ang nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas lamang na bahagyang maulap na papawirin.

Wala namang inaasahang sama ng panahon na mabubuo sa loob o labas ng bansa sa susunod na tatlong araw. (END/DD)

Dona Dominguez-Cargullo

Read more...