Ayon sa SPD, isasagawa ngayong araw ang simultaneous oath taking at pinning of ranks para sa mga bagong promote na Police Non-Commissioned Officers ng SPD.
Ang seremonya ay gagawin sa Grandstand ng SPD sa Fort Bonifacio sa Taguig kung saan inaasahang nasa 2,684 na bagong promote na pulis ang manunumpa.
Dahil dito, inabisuhan na ng SPD ang mga motorista hinggil sa maidudulot nitong pagsisikip sa daloy ng traffic sa mga sumusunod na kalsada:
– Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City
– Bayani Road, Taguig City
– Pasong Tamo Extension, Makati City
Ang mga motorista ay pinapayuhang iwasan ang nasabing mga kalsada mula alas 12:00 ng tanghali hanggang alas 5:00 ng hapon.