LOOK: Ilang lansangan sa San Juan, sarado ngayong araw

Sarado mula alas 4:00 ng madaling araw ang ilang pangunahing lansangan sa San Juan City.

Ito ay para sa selebrasyon ngayong araw ng ika-112 Araw ng San Juan.

Sa abiso ng San Juan City Government, sarado ang N. Domingo Street mula sa kanto ng F. Blumentritt street hanggang sa kanto ng Roman Street. Gayundin ang A. Luna Street mula sa Aurora Blvd. hanggangs a N. Domingo Street.

Pinapayuhana ng mga motorista na sundin ang sumusunod na re-routing:

* Mga sasakyang galing Ortigas at Santolan patungong Maynilad: Dumaan sa Granada Street west bound, kaliwa sa Aurora Blvd. patungong destinasyon.

* Mga sasakyan galing Maynila via Ramon Magsaysay patungong Ortigas: Dumeretso sa Aurora Blvd. kanan sa Gilmore Street, diretso sa Granada street, diretso sa Ortigas.

* Light vehicles galing Araneta Avenue at Magsaysay Blvd. patungong Ortigas at Santolan: Dumaan sa Aurora Blvd., kanan sa M. Paterno patungong destinasyon.

* Light vehicles na galing Ortigas Avenue patungong Maynila: kaliwa sa Santolan Road, kanan sa M. Paterno, kaliwa sa N. Domingo Street, kanan sa De Leon Street, kanan sa Lourdes Drive at kanan sa Aurora Blvd.

* Mga jeep na biyaheng San Juan – Kalentong patungong San Juan: Dumaan sa F. Blumentritt, kanan sa Lope K. Santos, kaliwa sa Atty. Mendoza St., kaliwa sa D. Santiago St., kaliwa sa F. Blumentritt St. patungong Gen. Kalentong.

* Mga jeep na biyaheng San Juan – Cubao: Dumaan sa N. Domingo St., kaliwa sa D. Santiago St., kaliwa sa R.J. Basa St. o F. Blumentritt St., kaliwa sa Lope K

* Mga jeep na biyaheng San Juan – Divisoria: galing V. Mapa kaliwa sa Old Sta. mesa, diretso sa N. Domingo St., kaliwa sa Araneta Ave., kanan sa Aurora Blvd., kanan sa G. Reyes St. at kaliwa sa N. Domingo.

Kung patungo naman ng Divisoria galing San Juan: Mula N. Domingo ay kakanan sa J. Ruiz St. at kaliwa sa Aurora Blvd.

* Mga jeep na biyaheng San Juan – Crame: Kung mula sa Crame, dumaan sa Boni Serrano Ave. crossing Ortigas Ave., diresto sa Santolan Rd. hanggang Pinaglaban, kaliwa sa Atty. Mendoza, kanan sa Lope K. SAntos, patawis ng N. Domingo, diretso sa H. Lozada, kaliwa sa C. Leyva at kaliwa sa A. Luna.

Kung galing naman ng San Juan: Kanan sa R. Lagmay, kanan sa G. Reyes, kanan sa N. Domingo, kaliwa sa Pinaglaban, diretso sa Santolan hanggang Boni Serrano Ave.

Read more...