P100K halaga ng shabu nasabat sa mag-tiyahin sa QC

Aabot sa P100,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa ikinasang buy-bust operation sa Cubao.

Ang operasyon ay isinagawa ng mga tauhan ng Station 7 ng Barangay San Martin De Porres.

Naaresto sa nasabing operasyon ang target ng operasyon na si alyas Raquel at kaniyang pamangkin na lalaki.

Ito ay makaraang makabili ng P500 halaga ng shabu ang poseur buyer kay Raquel.

Nakuha sa mag-tiyahin ang 17 sachet ng hinihinalang shabu na ang bigat ay 15 gramo.

Mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa RA 6195 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...