Conor Mcgregor, nag anunsyo ng retirement sa MMA

Idinaan sa social media ni Conor Mcgregor ang anunsyo ng kanyang pagreretiro sa Mixed Martial Arts (MMA).

Sa kanyang tweet araw ng Martes, sinabi ni Mcgregor na nagdesisyon siyang magretiro sa MMA.

Ayon sa two-time UFC World Champion, sasamahan na niya ang kanyang mga dating partners sa naturang sports ngayong retirado na siya.

Nagsimula si Mcgregor ng kanyang MMA career noong 2008.

Nasungkit nito ang featherweight at lightweight titles sa Cagewarriors noong 2012.

Si Mcgregor ang unang fighter sa UFC na mayroong dalawang sabay na titulo.

Noong 2017 ay sinubukan nitong sumabak sa professional boxing kung saan tinalo siya ni Floyd Mayweather Jr.

Read more...