Sa talumpati ng Pangulo sa campaign rally ng PDP-Laban sa Koronadal City, South Cotabato, inamin ng Pangulo na tinawagan niya ang piskal na may hawak ng kaso ni Silawan.
Pinababawi ng Pangulo ang dismissal order at nais nitong muling arestuhin ang pinalayang suspek.
Paliwanag ng Pangulo, hindi nangyayari ang hot pursuit sa loob ng 24 oras lamang
Iginiit ni Duterte na habang iniimbestigahan ang isang kaso at nagsasagawa ng mga follow-up operation ang mga otoridad, matatawag pa rin itong hot pursuit.
Naniniwala ang Pangulo na ang pagpatay kay Silawan ay resulta ng pagkalulong sa iligal na droga ng suspek at iba pa nitong mga kasabwat.
Ayon pa sa Pangulo, sa klase ng krimen na nangyayari ngayon ay masasabing lumala pa ang problema ng bansa sa iligal na droga.
Matatandaang pinatay si Silawan, binalatan ang mukha at tinanggal ang dila at iba pang parte ng katawan.