MMDA: Wala ng ‘window hour’ sa number coding scheme

Tatanggalin na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang “window hours” sa lahat ng syudad sa implementasyon ng number coding scheme.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, sinabihin nila ang lahat ng lokal na pamahalaan na tanggalin na ang window hour policy sa kani-kanilang lungsod.

Ito ay para hindi makabiyahe ang mga sasakyan na bawal bumiyahe sa umaga sa ilalim ng number coding scheme mula alas 7:00 ng umaga hanggang alas 8:00 ng gabi.

Sa ilalim ng Unified Vehicular Reduction program (UVVRP) o number coding scheme ay bawal ang mga sasakyan sa pagbiyahe sa mga lansangan ng Metro Manila isang araw kada linggo batay sa huling digit ng plate number.

Pero ilang lungsod ang nagpapatupad ng window hours kung saan ang sasakyan na hindi pwedeng bumiyahe sa umaga ay pwedeng magamit ng ilang oras.

Sa Malabon, San Juan, Manila at Valenzuela, ang window hours ay mula alas 10:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon habang sa Parañaque at Pasig ay mula alas 9:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon.

Pero may ilang syudad rin na walang window hours gaya sa Las Piñas, Caloocan, Mandalutong at Pasaya.

Dahil dito ay nais ng MMDA na magkaroon ng standard na wala ng window hours at bawal na ang sasakya na coding mula alas 7:00 ng umaga hanggang alas 8:00 ng gabi.

Pumayag naman anya ang karamihan ng LGUs kaya lamang ay may prosesong dapat sundin gaya ng pagpapatupad ng ordinansa para tuluyan nang mawala ang window hours sa buong Metro Manila.

Read more...