Walang sasantuhin ang Malacañang sa mga artistang sangkot sa illegal na droga
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi kukunsitihin ng palasyo ang mga artistang nasa illegal na droga kahit pa sumuporta ang mga ito sa kandidatura ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 elections.
Nagpapasalamat aniya ang pangulo sa mga artistang sumporta sa kanya subalit hindi patatawarin kapag nasangkot sa iligall na droga.
Hinihimok din ng palasyo ang Philippine Drug Enforcement Agency (pdea) na sampahan ng kaukulang kaso kung mayroong sapat na ebIdensya ang mga artistang sangkot sa illegal drugs.
Sa pagkakaalam ni Panelo, humihingi pa ng permiso ang PDEA kay Pangulong Duterte para ilabas ang listahan ng mga artista na aabot sa tatlumpu’t isa.
Dagdag ni Panelo, tatanungin niya muna ang pangulo kung pabor o hindi pabor na ilabas ang listahan ng mga artista.
Iginiit din ni Panelo na walang special treatment sa mga artista o sa kahit sinumang mapapatunayang sangkot sa illegal drug trade sa bansa.
Kaya lang aniya inilabas ng Malacañang ang listahan ng mga pulitiko na sangkot sa illegal na droga dahil sumailalim na ito sa validation ng mga otoridad.