Dagdag plaka sa mga motorsiklo di gawa sa bakal ayon sa LTO

Inquirer file photo

Inihayag ng Land Transportation Office o LTO na hindi gawa sa bakal ang mga gagawing bagong plaka.

Ito ang naging pahayag ni LTO Chief Edgar Galvante kasunod ng pagkabahala ng mga motorcycle rider sa mas malaki at color-coded na plaka sa ilalim ng Republic Act 11-2-35 o Motorcycle Crime Prevention Act.

Wala aniya sa probisyon ng batas na kinakailangan gawa sa bakal ang mga ilalabas na plaka.

Gayunman, tiniyak ni Galvante na magiging matibay ang mga bagong plaka na mababasa mula sa layong 15 metro.

Ikinokonsidera aniya ang isa sa mga panukala ng LTO na maging gawa sa ‘conduction sticker material’ ang bagong plaka.

Patuloy naman aniyang nakikipag-ugnayan ang ahensya sa mga plate manufacturer at motorcycle group para sa bubuoing Implementing Rules and Regulations (IRR) ng batas.

Read more...