Pulis patay sa ambush sa Edsa sa San Juan City

Photo: San Juan City PNP

Patay ang isang pulis sa pamamaril sa San Juan City, Martes ng hapon.

Sa isang panayam, sinabi ni San Juan City Police Chief Senior Supt. Ariel Fulo na nakasuot pa ng police uniform ang biktima nang pagbabarilin.

Kalaunan siya ay kinilalang si SPO2 Solomon Cugay nan aka-assign sa Headquarters ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Naganap ang pamamaril sa bahagi ng Southbound lane ng Edsa-Connecticut bandang alas tres ng hapon.

Agad rumesponde ang mga miyembro ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at Highway Patrol Group sa pinangyarihan ng krimen pero bigo silang mahuli ang mga suspek na sinasabing riding-in-tandem.

Dahil sa insidente, sumikip ang daloy ng trapiko sa Southbound lane ng Edsa dahil isang lane lamang ang maaaring daanan.

Read more...