P1.8-B inilaan ng DPWH para sa drainage improvements sa CDO

Photo: CDO encyclopedia

Naglaan ang Department of Public Works and Highways ng P1.84 Billion bilang pondo sa flood mitigationg projects sa ilang mga barangay sa Cagayan De Oro City.

Kabilang dito ang drainange improvements sa Barangay Camaman-an at Lapasan na kilala bilang mga binabahang lugar sa lungsod.

Isang diversion drainage line project na may habang 1.23 kilometers ang ikinasa sa barangay Camaman-an.

Sinabi ng DPWH Region X na ginamitan ito ng concrete box culvert mula sa Bitan-ag Creek hanggang sa dulo ng Kolambog Creek.

Sinabi ng mga DPWH official na ang Kolambog Creek ay matagal nang kasama sa channel improvement project kung saan ay kasama dito ang paggawa ng isang open canal na gawa sa 16-meter flat slab bridge, at 894-meter reinforced concrete box culvert.

Isa pang major project sa Barangay Sapang at Carmen ang nakakasa na rin at inaasahang matatapos ito ng DPWH-10 sa taong 2022.

Nauna dito ay sinabi ni Cagayan de Oro Mayor Oscar Moreno na kailangang maisa-ayos kaagad ang nasabing mga proyekto dahil taon-taon itong nagiging problema ng mga residente sa lugar na binabaha tuwing panahong ng tag-ulan.

Bahagi rin ang proyekto ng disaster preparedness and response kung saan kinilala ang CDO ng National Resilience Council bilang model city sa disaster preparedness.

Idinagdag pa ni Moreno na patuloy ang pagsasa-ayos sa iba pang infrastructure project sa lungsod na panglima bilang most competitive cities sa bansa.

Read more...