60kph speed limit gustong ipatupad ng MMDA sa buong Metro Manila

Inquirer file photo

Nais ng Metropolitan Manila Development Authority o (MMDA) na pagpatupad ng speed limit sa lahat ng kalsada sa Metro Manila.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, plano nilang ibaba ang speed limit sa 60 kilometers per hour.

Makatutulong aniya ito na mabawasan ang bilang ng mga aksidente lalo na tuwing madaling-araw.

Mabilis aniya ang takbo ng mga sasakayan sa ang bahagi ng Commonwealth, Roxas Boulevard tuwing tanghali at ilang parte ng Edsa.

Iprenisinta ang nasabing panukala sa ginawang pulong kasama ang mga metro mayors.

Read more...