Fiancé ni J.Lo na si Alex Rodriguez nahaharap sa iskandalo makaraang aluking makipag-sex ang isang Playboy model

IG Photo
May kinakaharap na iskandalo ang baseball superstar at finance ni Jennifer Lopez na si Alex Rodriguez.

Ito’y makaraang ibunyag ng British Playboy model na si Zoe Gregory na inaalok siyang makipagtalik ni Rodriguez kasama ang iba pang babae.

Sa interview sa kanya ng pahayagang The Sun, sinabi ni Zoe na bago mangyari ang marriage proposal sa singer, nagpapadala si Rodriguez sa kanya ng mga x-rated texts.

Humihingi pa umano ito ng sex videos at hinihiling na mag-sex sila kasama ang iba pang model.

Ibinunyag pa ni Zoe na may pag-uusap sila ni Rodriguez sa WhatsApp kung saan pinipilit siya na makipag-threesome.

Nagpadala din aniya ito ng larawan ng kanyang ari.

Sa nasabing panayam, sinabi ng model na tila naawa siya kay Lopez : “J-lo is amazing and she doesn’t deserve this. While getting ready to marry her, he was asking me for sex videos, demanding we hook up and asking me to make arrangements with other girls. J-Lo needs to wake up. I feel bad for her and I don’t think it’s right.”

Kamakailan, nagpropose ng kasal si Rodriguez na ibinahagi pa nila sa kani-kanilang mga social media account.

Read more...