Backstreet Boys magco-concert sa Pilipinas sa Oktubre

Doble-saya para sa 90s Music fans dahil maliban sa Westlife, magco-concert din sa Pilipinas ang Backstreet Boys.

Inanunsyo ng grupo ang kanilang one-night show sa Pilipinas sa October 28.

Bahagi ito ng DNA World Tour ng Backstreet Boys.

Sa pagitan ng October 12 at October 30, walong lungsod sa Asya ang pagdarausan ng concert ng grupo.

Magugunitang inanunsyo din ng boyband group na Westlife ang pagdaraos ng concert sa bansa sa darating na Hulyo.

Read more...