Ayon kay Analiza Solis, pinuno ng Climate Information Monitoring and Prediction ng PAGASA, sa nasabing bilang, walong lalawigan ay mula sa Luzon, isa sa Visayas at pito sa Mindanao.
Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Solis na ang mga lugar na nakasailalim sa drought condition ay nakaranas ng mahigit 60 percent ng rainfall reduction mula noong Enero.
Sa nasabing bilang, 15 ay sa Mindanao, 12 sa Visayas at 28 sa Luzon.
Mayroon namang 55 lugar sa bansa ang nakararanas ng dry spell kasama na dito ang Metro Manila.
Ayon kay Solis, sa 55 lugar na nasa dry spell, may mga lugar na candidate o maaring makaranas na ng drought condition kapag patuloy na hindi nakatanggap ng normal na pag-ulan kasama na ang Metro Manila.
Paliwanag ni Solis, kinakailangang makaranas ng sapat at normal na pag-ulan bago sumapit ang Abril, dahil kung hindi, sa katapusan ng Abril ay maaring mapasama na ang Metro Manila at iba pang mga lugar sa nakararanas ng drought condition.
Sinabi naman aniya ng PAGASA na dahil sa matinding init ng temperatura ay maaring makaranas ng mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorm.