Pinoy sugatan sa insidente ng pamamaril sa California

FB Photo

Isang Pinoy ang nasugatan sa drive-by shooting na naganap sa San Francisco, California.

Naglalakad lamang ang Pinoy na si Andy Teodoro para kitain ang ilang kaibigan sa Fillmore District nang siya ay tamaan ng bala ng baril.

Ayon sa isang Filipino na kaibigan ni Teodoro na si Mikkel Aragon, nakarinig sila ng 12 hanggang 15 tuluy-tuloy na putok ng baril.

Nakatawag pa umano si Teodoro sa cellphone para sabihin ang kaniyang lokasyon at sinabing siya ay may tama ng bala.

Isa ang patay sa nasabing insidente at apat ang sugatan kabilang na si Teodoro.

Patuloy na inoobserbahan ngayon ang Pinoy sa ICU.

Read more...