WATCH: Walang impormasyon ang PNP na nag-uugnay kay Michael Yang sa illegal drugs – Albayalde

Walang anumang impormasyon ang Philippine National Police (PNP) na nag-uugnay kay presidential economic adviser Michael Yang sa kalakaran ng ilegal na droga.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni PNP chief, Dir. Gen. Oscar Albayalde na sa ngayon, base sa pagkalap ng impormasyon ng kanilang intelligence office, walang impormasyong nagsasangkot kay Yang sa mga kaso ng illegal drugs.

Ito ay matapos ang mga ulat na may drug laboratory na itinayo si Yang sa Davao noong 2004.

Sinabi pa ni Albayalde, wala namang sisinuhin ang PNP sa kanilang war on drugs may posisyon man ito o wala.

Paglilinaw ng PNP chief, walang anumang utos mula kay Pangulong Rodrigo Duterte na hindi pwedeng imbestigahan o i-operate ang sinumang malapit sa kaniya na matutuklasang sangkot sa ilegal na droga.

Read more...