Easterlies umiiral sa halos kabuuan ng bansa

Walang namamataang sama ng panahon na makakaapekto sa bansa sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.

Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, magiging maaliwalas ang panahon sa halos kabuuan ng bansa dahil sa umiiral na easterlies o hangin mula sa karagatang Pacifico.

Partikular na nakakaapekto ang easterlies sa silangang bahagi ng Gitnang Luzon, Katimugang Luzon, Visayas at Mindanao.

Ngayong araw, mararanasan ang bahagyang maulap na kalangitan na may pulo-pulong pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Bicol Region at Silangang Visayas.

Sa Metro Manila at nalalabing bahagi naman ng bansa ay maalinsangan ang panahon na may mababang tyansa ng pag-ulan.

Read more...